Tuesday, April 01, 2008

Kung Sakali!

Gusto kong umiyak, ng napakalakas... hindi dahil bigla-bigla kong makikita yung grade kong ganun, parang tanga bakit nga ba ko masasaktan pa, kung noon palang tanggap ko na na simula palang wala na talagang pag-asa dito kay dr. Ramos na'to, una palang sinasabi ng wala kaming mapapala sa kanya, eto naman ang mga matatapang at mga tangang estudyante, kabilang na ako na tinuloy eto ako ngayon masakit ang loob? hmmm, hindi ko alam dapat kong isipin, hindi ko alam kung itutuloy ko ba 'tong kalokohan na'to.... wala akong maisip na dapat kong gawin... ano ba 'to isa na nanaman bang patunay na wala na nga akong ginawang matino sa buhay ko... Bakit pa nag naman kami aasa sa isang bagay na walang pag-asa. Milagro? sa pananaw ni dr. wala un.. hindi gumagana yun.

Hindi ba dapat maging masaya ako ngayon dahil yun ung pinangako namin ng mga katulad kong uhaw din sa kapirasong grade sa 201, magiging masaya kami sa araw na'to, pero bakit ngayong araw na'to anong nangyayari, bakit ka nagkakaganyan? bakit ka naiiyak aber? Dapat diba pag-pumasa kami tsaka lang yun mangyayari, pag-nagkaroon ng himala.


Ang pinakamasakit sa lahat yung tipong iminus mo yung grade mo sa pinalakamababang 65, ano ang lalabas? yun ang "EFFORT" na binigay mo ng limang buwan-- limang buwan na sana nakita niyo ang naging buhau ng block 6 at 7. Sana napanood niyo kung papano yung sakit ng loob na naranasan namin noon para sana hindi kayo magtataka kung paano nilabas ni dr. ang totoong kami. Sana nakita mo yung mga luha na, kahit pala ang worksheet kailangan iyakan. Hindi simple ang Accounting, buhay na nga siya kung tutuusin ng mga katulad kong umaasa sa bawat numerong kailangan at dapat lang hindi nagkakamali. Sana nasubukan mo kaming makita para hindi niyo masabing nagpabaya kami, Sana, Sana. Alam ko na hindi pa ito yung kapusan ng lahat.. Accounting is not everything! tandaan niyo yan, isa lang siyang parte ng buhay na kailangan mong daanan kung gugustuhin mo. Kung sakali lang!