Wednesday, February 14, 2007

written:01-29-06

Nang minsan...

unti unti akong uimiwas
para hindi masaktan
hindi pinahalata
kasi ayaw kong luha'y
tumulo sa mga mata

Nang minsan...

nagsisi ako
pagkalingat pagmamahal
mo'y di ko tanaggap
ayaw kong magkamali
ayaw kong masugatan
ayaw kong masaktan
lang ako isang araw

Nang minsan...

nalaman ko may iba na
isang pilik ng kamay
wala na...
masakit...mahirap...
kaibigan ko pa...

Nang minsan...

naisip ko kasalanan ko
pagkakamali ko
pag iwas ko
sa pagmamahal
na inalay mo
pero bakit?....
ang bilis, hindi ko namalayan

Nang minsan...

naalala ko ang pangako
minsa'y iyong binitiwan
na kaya mong magintay
gaano man katagal
pero bakit?...
ang bilis, hindi ko maintindihan

Nang minsan...

napagtanto ko..
anu ba, tanga ako,
nagbulagbulagan...
sinumbatan ang sarili
pero kailangang kalimutan
kahit mahirap
kahit hindi ganoon kadali


Dahil nang ang minsa'y iyong sinayang
at pinabayaan ay kailanman'y di
maibabalik ng kasalukuyan.

No comments: