Thursday, September 27, 2007

Sandali...


Alam mo yun lahat ng tao gumagalaw, may tumatakbo at sumisigaw "intayin mo ako!"-- may mga ayaw maiwan. May mga taong napakabagal, maiiwan nga ba ng takbo? may mga mahuhuli. may mga tinitingalang nauuna. may mga nadadapa. may umiiyak at humihingi ng tulong at may mga tahimik na tumatayo at nagpapatuloy. Lahat ng tao gumagalaw.

Pero nasan ako? Minsan na akong nagkamali. Gusto kong makarating sa dulo, para matapos na ang lahat. Gusto kong makahinga ng malalim at lasapinang hangin pag-dating dun. Pabilisin ang oras at isigaw "Tama na!"

Per nasan ako? Minsan na din akong nadapa. Sa tindi ng hangarin nadulas, bumagsak... ang sakit. may gasgas, sugat at pasa. Aray! Tumayo at tinawanan ang sarili, binulong pa sa isip "kaya ko pa! alam kong marami nang nadapa at tumayo ulit.. kaya ko!"

Pero nasan ako? Minsan na akong tumigil sa pagtuloy ng paglalakbay para magtanong "nasan ako?" "nandito nga ba ako?". Sumagi pa nga sa isip ko "Hindi ba mapapansin kung bigla akong mawala, may magtatanong ba kung nasan ako? May titigil ba kung matatanaw niyang wala ako? Ewan. Cguro wala. Sabay sabing "Sino nga ba ako?" "Ikaw kilala mo ako?" "Ang kapal mo 'tol" "wag kang magdrama" "wag kang babalik, baka maiwan ka.."

Pero nasan ako? Hihilingin ko parin bang bumilis ang takbo ng mga kamay ng relo para matapos na... matapos ng walang patutunguhan at napag aralan. Sandali wag muna. Gugustuhin ko bang madapa, masugatan, masaktan, marinig pati ang pinakamaliit na pagsabi ng "inutil" at pinakamalakas na bulong na sigaw ng bawat taong dadaan at titingin lang. Sandali, wag muna alam ko kaya ko. Kailangan bang tumigil para magtanong kung walang kikilala at makakakilala sa akin, ako, sa buhay ko, sa pagkatao ko. Sandali wag muna. Alam ko kung sino ako.

Pero nasan ako? Heto nakaupo, dinarama ang malamig na hanging dumadampi sa mukha galing sa labas ng bintana. Naririnig ko ang bawat kalabog ng paa, gulong ng dadaan na sasakyan, busina, pagsara ng pinto, pagtunog ng plato, paglipat ng pahima ng libro, pag andar ng kamay ng relo, pagpatak ng ulansa labas, tahimik. Nakaupo, tinatanog ang sarili, Nasan ako? Buntong hininga sabay sabing may pupuntahan ako, may pangarap ako.

Teka, sobrang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa isip at puso ko sa maingay na sigaw ng mundo. Wag muna, sandali, may pupuntahan ako, may pangarap ako.

No comments: