Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, nararanasan ang iba’t-ibang uri ng mga problema—problemang madali, kaya mong sagutin kahit nakapikit, problemang okey lang kailangan ng konting pawis tapos, tapos na at problemang kahit anong isip ang gawin mo, kahit anong klaseng paraan ang gawin mo, isa lang ang sagot, “wala” o ‘ewan”. Di nakakapagtataka, parte ng buhay ang problema.
“Naranasan mo na bang umasa sa wala?” “Himala nalang yata ang makakapagpabago..” at “Ipagpatuloy mo nalang ang mga pangarap naming…”. Mga linyang basta nalang lumalabas sa bibig ng mga simpleng estudyante—estudyanteng kahit papanomay panagarap, payak man ang panagrap, panagarap parin. Kinakaya lahat ng problema, kahit minsan o kadalasan nawawalan ng pag-asa. Pag-asa na pinipigilan at unti-unting kinukuha ng tao at bagay-bagay na ipinamumukha na wala tayong kwenta , na wala tayong patutunguan . Siya ang pumipitpit sa isip, unti-unting sumisira sa lakas ng loob, umaapak sa nagiisang bagay na meron tauy, Pag-asa. Balibaliktarin mo ang mundo, gusto parin natin siyang isumpa, ipadama na tao rin tayo, tulad niya may damdamin, katawan at pangarap. Pero bakit ganun, para siyang manhid, walang pakiramdam at walang pakundangan. Hindi ba niya naranasang umiyak dahil hindi mo alam an dapat mong isispin, dahil hindi mo masasagot ang problema, dahil hindi mo alam, kung problema nga talaga ang problema o ang taong sumasagot ng problema. Yung tipong ginagawa mo na ang sa tingin mong “lahat’ pero “wala” parin. Sa tingin ko tama sila… “hindi lahat ng problema may solusyon, pero lahat ng problema may magagawa ka”.
Napapangiti nalang akoat nagpapasalamat, dahil hindi ako, kami sumusuko sa laban.. laban na hindi ko alam kung may patutunguhan. Laban na puno ng mga problemang ang tanging mababaon lang naming ay mga luha na galling sa kumukuha ng pag-asa na pundasyon ns simple kong pangarap. Na patunayan sa buong mundo at lalong-lalo na sa aking sarili na di nakapagtataka isa lang ‘tong problema…;
No comments:
Post a Comment