Thursday, September 25, 2008

"bugoy"






Isa siyang simpleng stuffed toy. Pangit. Luma. Maliit.




Yan si "Bugoy". Hindi ko na alam kung papano naging ganun yung pangalan niya. Ang alam ko simula bata palang ako kasama ko na siya. San nga ba siya galing? sa pagkakaalam ko sa tita ko, binigay sa akin yun kasama ng mga pinsan ko dahil nung bata ako hobby ko ang pag-iyak, hindi nila ako napatigil at hindi din nila ako mapigil dahil sobra yung taray ko kaya yun binigay sa akin si bugoy. Sabi ni "nanay" hindi daw binili si bugoy kung saang shop, galing daw siya sa kapitbahay na nagsisimulang gumawa ng stuffed toys. Ang alam ko dalawa kami nung pinsan ko na may ganito, siya nakapag asawa na at may baby na kasama pa din niya yun, nakakatawa pa nun ilang ulit na daw yun ipinapatapon ng tito ko pero nakakasurvive padin.




Siya yung naging kasama ko hanggang ngayon, lumipat na kami ng bahay, dinaanan na kami ng bagyo, nag aral sa malayo kasama si bugoy dun.

Siya yung natitira sa higaan ko. Siya yung kinakausap ko pag nababaliw na ako. Siya yung naiiyakan ko. Siya yung yayakap sa akin tapos makakatulog nalang ako. Sabi ko nga kung tao lang si bugoy boyfriend ko na siya(haha).

Hindi ako ganun kahilig sa mga stuffed toys. Minsan sa mga aso na stuffed toys. Hindi ko tinitingnan yung laki o ganda nila, kasi hindi dun nasusukat yung halaga nung bagay na yon sa'yo. Dumarating sila, binibigay sila ng mga tao sa buhay natin para mag paalala na kahit nalayo sila, parang andyan parin sila.

Hindi mapapalitan ang nag iisang bugoy, pangit man siya, matanda man siya,mura man siya. Siya parin yung nakasama ko sa mahigit labing walong taon. Siya yung nag iisa at pinakamamahal kong bugoy.

Thursday, September 18, 2008

buhay TIRD YIR

ang bilis ng panahon parang dalawang taon na pala ung nakalipas na nag aaral sa malayo.

TIRD yiR na. Ang dami ng mga ading na tumatawag sa'yong ate. Hindi pa naman ako matanda... ka age ko lang naman sila kunyari.

Hindi full load. Dalawang put apat na units. Umaga. Tanghali. Gabi. yan ang mga schedule na napunta sa amin, agawan sa subjects na wala ka nang ibang choice dahil yun nalang talaga ang offered at dahil kailangan mo nang makuha ang mga subjects na yun kakagat ka.

Maluwag na sked. Yun ang tingin ng mga lower years sa amin. Totoo naman eh, maraming panahon na wala kang ginagawa pero hindi mo alam kung bakit ka nga ba naging busy. Marami kang oras para gawin ang mga requirements mo, pero minsan bakit mo pa kailangan mga rush? Hindi ko din malaman.


Ano nga ba ang mga ginagawa?
Mga tambayan:
dito sa internet library ng SLU-- dahil pag third year ka na may 90 hours na bihibigay sa'yo para mag surf ng internet, para sa "academic research, personal ang career development" daw.. (haha) pero sa totoong buhay pang friendster yun at pang surf sa kung ano-anung wedsite. Eto yun pangunahing tambayan namin eh, hmmm, dito walang pakialaman, yung tipong gawin mo yung mga kailangan mong gawin. Eto din yung pupuntahan mo pag wala ka nang patutunguhan (yung tipong vacant mo at ayaw mo pang magstay sa bahay, tulad ko) dito kasi kahit wala kang pera makakatambay ka (di tulad sa canteen) dito mo din mameet yung mga long lost classmates mo dati sa mga minor subjs mo. Tahimik dito, ang maririnig mo lang mga keyboards na maiingay. Maraming louisians ang di gumagamit ng time nila dito dahil daw matagal, mabagal, ang sabi ko naman sanayan lang yan eh, nakadepende yan kung alam mo ang mga techniques para mapabilis ang access mo. At yun nga lang limited ang mga website na pwedeng puntahan, kailangan wholesome kundi may lalabas sa computer mo na "this is against the slu policy ....". Dapat kasi suki ka dito (tulad ko).


sa bahay-- at ang pangunahin at paborito kong gawin dun... tentenenenn... ang natulog, kulang ako dun eh, dahil dapat araw-araw gising ako ng maaga kasi maaga ang klase ko, tapos marami pang kung ano-anung dahilan, busy- busihan gnun. minsan din sobra ako sa tulog, yung tipong pati sa management at law subjs ko inaantok pa hindi lang ako kaming lahat. magbasa, kasi minsan wala kaming entertainment showcase (yun laptop nung boardmate ko) yun magbasa nalang nga mga makabuluhang libro (malapit ko na nga matapos ang collection ni bob ong eh..) at ng mga iba pang libro, wag lang pocket books (yaks).


sa pond-- fish pond. lately lang akong natutong tumambay dun. bakit nga ba kami tumambaydun? kasi di pwede sa canteen lalo na pag may dala kaming paborito kong siopao pagkagaling sa labas ng campus, dun namin yun kakainin. (yumyum). dun kami pupunta pag natapos na namin yung mga kailangan namin tapusin sa org. dun kami magkakantahan ng mga kori at madramang love songs (hehehe, madami kaming fans dun ah, infairness to us) last time nga eh may pictorial pa kami, sa mga first years na naglilibot dun, syempre may voicings pa kami eh (kahit gawa-gawa lang). Si Tuning (bass), si jhe ( soprano 1), si reg (soprano 2) at ako (ang Alto) kulang nga lang kami ng tenor. hmmm, dito din talamak ang asaran namin. Marami akong lessons learned dito eh, ang pinakatamado sa lahat.."how can you say that a person is BITTER?" (parang ampalaya, hehe, joke!) yung sagot.. sama ka pag tatambay ulit ako sa pond. =)


Ngayon, isa lang ang class ko (ecology1A)... may tamad na prof. na pagagawin ka lang niya ng seatwork na essay tapos pass your papers and you can go. Akalain o yun, sayang ang effort mong nagshampoo. Pero pwede na rin mataas naman grade eh, wala ka nga lang natutunan. At para may silbi naman na may ginawa dito sa school, diretso nalang dito sa netlib para magkwento.


Mahirap. Masaya. Challenging. Kailangang pagisipanang mga bagay na dapat ngayon panlang pinag iisipan na. Pero mahirap mag isip ng mga bagay na kailangan mo nga ba talagang isipin. Pero sa tingin ko mas mahirap umintindi ng mga bagay na AYAW mong intindihin.


Hindi pa nagtatapos ang buhay, kahit mahirap...


...may next class pa ako 5-6 mgmt6.