Thursday, August 06, 2009

kalokohan =)

-- bibe.
sino nga ba 'to? hahaha. isang malaking kalokohan kami. . kalokohan lang kung paano talaga nagsimula lahat, alam mo yun, ni hindi ko man lang inisip na darating sa puntong kami ngaun. At hindi ko din kasi inasahan na may darating na katulad niya sa buhay ko... yung tipong papangitiin ang puso mo lagi, weeeh, ang chezzy. pero syempre tulad ng lahat ng relasyon, nag aaway din kami, lagi? at siya ang nasasaktan (phisically, hehe.. ang sakit ko kasing manampal eh..). Siguro at the end of the day, itong kalokohan nato yung isa sa pinaka seryoso kong naging desisyon ngaung taon... simple lang, dahil naging malaki na siyang parte ng maliit kong buhay. Marami akong natutunan, at higit sa lahat marami akong pangarap na nabubuo. Syempre dahil sa KAnYa.


Kalahating taon, kumusta ba ako?
Masaya. oo, eto, hindi ako kailangan tumawa para malaman mong masaya ako, siguro malamang kilala mo ako... panatag lang yung loob ko na isang araw lahat nga mga pangarap ko natutupad din kasama ang mga taong malapit sa puso ko. Marami pa man akong tatahakin at kakaining bigas, kakayanin ko 'to dahil sa kanila at para sa kanila.



---wala lang. ano pa nga ba ang pwede kong sabihin sa kalokohang 'to.

magulo.
masaya.
makulit.
maingay?
mapagbigay.
mainit.
malamig!

mapagmahal.

at higit sa lahat MASAYA! Smile



ano nga ba?
paano?
bakit?
ewan ko din...
hindi mo pa ba nasubukan tanungin sarili mo?

kung hindi pa, di subukan mo ngayon..
kung natanong mo na, siguro hindi mo parin alam ang sagot...


ano nga bang dapat itanong?
"bakit nga ba niya ako mahal?"

---kailangan nga ba talagang itanong yon?
ewan ko nga din eh... pero diba "hindi ka naman bibigyan ni boss ng isang bagay na hindi ka karapatdapat, oh kung hindi man, siguro bingigay niya yon sa'yo para maging karapat dapat ka..."

ang lalim ata nun. (hihihi)pero totoo.

---"i think everything could work in a growing process.."
dba? you're helping each other to face life's reality...you're helping each other to be a better HIM because he also taught you to be one.



---ang simple, ang lalim, pero ang gandah...
kalokohan man pero ito yun eh...hmmm. alam mo yun.
at, at the end of the day magiging masaya parin ako dahil parte ka ng buhay KO. at I'M BLESSED TO HAVE YOU IN MY LIFE Smile

No comments: