3 years and 5 months to be exact. Regular employee. Below minimum wage
salary. Voluminous workload.
Sobrang dami ko ng mga nakitang empleyado na dumating at umalis. Madami na
din ako mga umaga na gumising ako at sinabi ko sa sarili ko "ayaw ko
na", "nahihirapan na ako". Madami na din akong sakripisyong
ginawa at pinagdaanan dito. Oo kayak o yung mahihirap na clients na
kinatatakutan nila, kahit ng mga Managers, kaya ko yung mahirap na pinagdadaan
ko sa BSP Audit, mga iba pang trabaho, pag gawa ng mga inutos mo, pagkulong
nila sa isang sulok ng floor, minsang pag babalewala na andito ako lahat naman
yun kaya ko.
Sana lang kaya ko pa pag kasyahin ang sahod ko sa lahat ng mga kailangan
kong bayaran—sa kailangan ng pamilya ko, ng pag-aaral ko, ng bahay na tinutuluyan
ko, ng pagkain naming araw araw, ng pamasahe ko, ng pag bibigay ko ng allowance
sa kapatid ko, ng pambayad ni dade at sa pang araw-araw nila, ng pambigay ko
kila mama at nanay kahit minsan pag-uuwi ako, ng pang tulong ko sa simbahan, ng
pambigay sa kapatid ko para sa allowance niya sa review, paghahanap ng trabaho,
at ngayon habang wala pa siyang sweldo. Pinipilit kong mag kasya lahat, oo
hirap na ako actually hirap na hirap na dumarating mga araw na nag hahanap
nalang ko nga barrya para makapasok sa opisina, minsan nakapila na ako sa
sakayan ng fx pero kulang pala ang nabuo kong pera na nakakalat sa bag ko,
minsan kailangan nalang nalang iiyak ko, nagalaw na pambayad ko ng tuition ng
Midterms at Finals, hindi pa ako nakapagbayad ng bahay, naubos nap era ko
kahapon sa pagkain naming sa labas kasi pumasa na kapatid ko sa engeneering
board exam wala naman trabaho si dade, nabos, wala na din siyang pamasahe
pauwi. Ang sakit na ng puso ko. Hindi pa din ako makatulong, kulang pa din
talaga, ni mabilhan sila ng mga kailangan nila.
Hay, ganyan kahirap. 3 years and 5 months.
Bakit ko pa ba kailangan magtiis?
No comments:
Post a Comment