Wednesday, October 08, 2008

nineteen years....


nineteen years.

parang kailan lang ang labing siam na taon...
syempre wala yung mga taon na yun kung di dahil sa mga tao at bagay- bagay na nakasama, tumulong sa akin sa mga taon na 'to...


"thank you for making me realize I'm alive"

Salamat.

Sa mga taong naging kasama ko sa bawat tawanan, lungkot, iyakan.
Sa pagbibigay ng pag-asa sa mga pangarap natin.
Sa pag-alala kahit malayo ako.
Sa di pagkalimot.
Sa pagtuturo sa akin na hindi lang musika yung dapat matutunan, puso, pamiya.
Sa pagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi natuturo ng iba.
Sa pagpapadama na importante ako.
Sa pagiging anyan.
Sa pag kalinga.
Sa pagpapaalala na ang buhay ay may pag-asa.
Sa pagpapasaya.
Sa pagpapaiyak.
Sa pagiwan.
Sa pagtanggap.
Sa pagintindi.
Sa pagtitiis.
Sa hirap.
Sa pakikinig.
Sa pagtitiwala.
Sa pagkakaibigan.
Sa inspirasyon.
Sa
pagmamahal.
Sa pagiging parte ng buhay ko.



Hindi nagiging kumpleto ang buhay ko, ang labing siam na taon, ang "korina carla quinto targa" kung hindi ka dumating sa buhay ko. Salamat sa pagiging IKAW. Salamat sa lahat ng sakripisyo.

Sana sa mga susunod pang taon, di ka makakalimot, di ka magbabago.
Sana sa mga susunod kong gagawin sa buhay ko maiintindihan mo.
Sana matuto na akong magdesisyon, gumawa ng bagay-bagay na takot ako.
Sana maramdaman ko at maintindihan ko na hindi lahat ng bagay dapat natin malaman at hindi lahat ng tanong kailangan ng sagot... at hindi lahat ng dapat intindihin kailangan intindihin.




****************

Mahirap ang buhay.
...kung iisipin natin na mahirap
...kung mararamdaman nating mahirap

pero di pa dun nagtatapos ang buhay
... masaya din naman.

may mga taong dumarating para mapakita at mapadama sa atin yon.


Simple lang ang buhay.

iiyak.
tatawa.


gumugulo.
humihirap.

kadalasan dahil din sa'yo
(ikaw yung mismong gumagawa ng mga bagay na kinatatakutan mo, mga bagay na prinoproblema mo, mga bagay na makakasakit sa'yo)


***yun yung isang mahalagang natutunan ko.***


don't expect that much from me...
(hindi naman ako magaling o matalino)

nakakamatay ang mga expectations sa buhay.
minsan baka di mo namalayan yun na minsan papatay sa'yo.

hindi lahat ng bagay dapat natin malaman

hindi lahat ng tanong kailangan ng sagot...

at hindi lahat ng dapat intindihin kailangan intindihin.


"hindi hinuhulaan ang sagot sa tanong, hindi hinahanap ang sagot, kailangan mong gumawa ng sarili mong sagot sa mga tanong mo"

para sa huli wala kang ibang sisihin kundi ang sarili mo.
dahil walang ibang nakakaramdam ng nararamdaman mo
at walang ibang nakakaisip ng naiisip mo.

***ilan lang yon sa mga natutunan ko***
at mas marami pa akong matutunan sa mga susunod pang taon.


Pati IKAW, marami pa akong bagay na matutunan sa'yo.
kaya wag kang aalis, sasamahan mo pa ako.

No comments: