Friday, November 14, 2008

CC: Soo much for love!





minsan nakakasawa na din pag usapan ang love... nakakabagot... nakakainis kasi paulit ulit nalang ung mga nagyayari... mamaya masaya ka... bukas nasaktan ka na..


naisip ko nakakasawa din kaya mag mahal?

anong klaseng tanong.


oo? cguro pag napagod ka cguro hindi ka nga masyadong nagmahal (basehan ba yun? ang alam ko hindi) Pwede ka naman kasing mapagod pero hindi ka prin titigil dba? hindi ko alam... cguro ayaw ko munang marinig ang tungkol dyan sandali nabibingi na kasi ako sa katahimikan ng sarili ko eh. Nakakatakot.


Hindi ko na kasi alam kung san ko ilulugar ang sarili ko minsan. (wala naman akong dapat lugaran. hmmmm)


Ewan.


Pero naniniwala ako na kahit gaano mo saktan ang isang tao kung mahal ka nga niya mahal ka niya talaga. Kasi kaya niyang tanggapin yung mga ganung bagay galing sa'yo, kahit pa nasakit. Ka-martyran? Un ba un? hmmmm... di ka pa naman papatayin sa luneta nun. Haha.


Maxado na bang matapang?

Hindi pa din gaano.

Kung may nagbago, natutuo na akong maniwala sa sarili kong mga desisyon, panindigan sa sinasabi ng isip at puso ko, ipaglaban yun gusto ko at bagay na sa tingin ko tama (hindi nga lang sa love) kundi sa buhay (buhay estudyante) hindi man ako matalino pero alam ko ring mag isip ng mga bagay kahit papano. Ang pinakamahirap sa lahat ngayon... Patunayan sa mundo na hindi mali ang maging desisyon ko na hindi sila sundin. Mahirap? oo! pero kakayanin ko yun..!




sana. napapagod na kasi ako.

No comments: