Wednesday, July 01, 2009

july 1

kalahati na ng 2009.

tulad ngaung araw, masakit sa ulo, maraming ginawa.. pero eto syempre hindi parin tapos ang araw... ano pa nga bang mga susunod na mangyayari? hmmm, uuwi, natutulog at mag aaral, hay!

parang nakakabagot na buhay noh? eto na naman kasi akong parang wala na namang mapatutunguan eh, hay!


kalahating taon!
ano nga bang mga nagyari sa akin?

-- 4th year na ako.
hehe. pero mukhang bata parin ah.. walang duda. bleh! eto, sumasakit ang ulo dahil ewan ko nga ba? baka may h1n1 ako.. issh, wag naman sana. eta, maraming subjects na nose bleed.. maraming mga organizations at affiliations sa buhay.. maraming kailangan gawin.. bakit ko nga ba ginustong maging busy noh? dahil noon eh mababaliw na ako, paranoid ba sa sarili. hehehe. pero ngaun naman halos hilingin ko nalang na sana may 26 na oras ang isang araw eh. Kahit gaano man ang mga 'to, im surviving pa naman.

-- bibe.
sino nga ba 'to? hahaha. isang malaking kalokohan kami. . kalokohan lang kung paano talaga nagsimula lahat, alam mo yun, ni hindi ko man lang inisip na darating sa puntong kami ngaun. At hindi ko din kasi inasahan na may darating na katulad niya sa buhay ko... yung tipong papangitiin ang puso mo lagi, weeeh, ang chezzy. pero syempre tulad ng lahat ng relasyon, nag aaway din kami, lagi? at siya ang nasasaktan (phisically, hehe.. ang sakit ko kasing manampal eh..). Siguro at the end of the day, itong kalokohan nato yung isa sa pinaka seryoso kong naging desisyon ngaung taon... simple lang, dahil naging malaki na siyang parte ng maliit kong buhay. Marami akong natutunan, at higit sa lahat marami akong pangarap na nabubuo. Syempre dahil sa KAnYa.


Kalahating taon, kumusta ba ako?
Masaya. oo, eto, hindi ako kailangan tumawa para malaman mong masaya ako, siguro malamang kilala mo ako... panatag lang yung loob ko na isang araw lahat nga mga pangarap ko natutupad din kasama ang mga taong malapit sa puso ko. Marami pa man akong tatahakin at kakaining bigas, kakayanin ko 'to dahil sa kanila at para sa kanila.



(napakadrama ko naman para gumawa ng ganito, baka nawawala na naman ako at hinahanap nila, weh, wala naman nakakaalam kung asan nga ba ako., andito lang ako sa tabi nag iisip kung tama nga ba kung nasan ako ngayon?)

No comments: