Wednesday, June 08, 2011

Rest your heart...

madaling araw nagising ako sa napakalakas na ulan, sobrang lakas. mula noon hanngang ngaung gabi umuulan... habang tinitingnan ko yung ulan kanina, hindi ko namamalayan na hindi ko na din pala mapigilang sabayan yun ulan. di na din tumutulo yung luha ko...

tama na k.c.

alam mo ewan kung bakit siya nagiging ganun.. bakit siya nagdududa, bakit hindi na ganun sa dati? bakit ako nasasaktan? bakit siya hindi masaya? bakit ganito? bakit ako iyak ng iyak? bakit ba?

anu nga ba gusto mo? alam mo hindi ko alam...
hindi ko din pwedeng hulaan, alam mo bang nasaaktan ako?
alam mo bang kaya kong tiisin lahat ng sakit, makita ka lang masaya..

Friday, May 27, 2011

BLANK.


I hurt people.
Iam being hurt by people.

Still I am willing to LOVE.


--Blank. yun yung nararamdaman ng isip at puso ko. Ayaw na niya, pagod na siya, alam ko kaya niya, kilala ko siya, alam ko kung paano siya mag mahal pero nakalimutan kong HINDI ko hawak ang PUSO niya... minahal at inalagaan ko lang yun pero kahit anong magyari, wala akong karapatan, idikta na mahalin pa niya ako kung hindi pa niya kaya. Mahal ko siya, mas mahal ko talaga siya. . . pero tuwing na aalala ko na "wala na" nag iisip at naiiyak ako.


--Blank. nasaktan ko na naman siya. Ayaw ko lang umasa siya. After all these years mahal padin pala niya ako.. Natrauma ako. Takot na akong dumanas ng parehong sakit. Ayaw ko din siyang maging rebound. parte parin siya ng puso at magandang nakaraan ko. Siguro, haharapin ko yung second chance kung ready ako, pero alam ko hindi ngaun, ayaw ko masaktan siya, ayaw kong bumawi.


Hangang kailan dapat naghintay na masulatan ang BLANK? Ewan ko ba? Kung gaano kahirap mag mahal ganun din kahirap masaktan. Ngayon, sulitin mo yung blank, yung AKO lang. Sabi nga sa akin nga mame ko, "hayaan ko silang hanapin ako..." babalik yung talagang para sa akin... " wag akong matakot.. sa nakakatakot na hinaharap. Basta hindi naman tumitigil ang puso ko mag mahal eh, kahit gaano pa siya nasasaktan. Sana. Marealize nila yung worth ko bilang AKO. AKO sa buhay nila. Mahalaga nga ba ako? IKAW lang yung makakasagot niyan.

Wednesday, May 25, 2011

Lost and Found


Forgiveness.

Pain.

Guilt.

Pride.

Regrets.

Hopes.

Dreams.

Promises.

smiles.

Stories.

People.

Friend.

Love.



True.





It will just happen.

It will surely have a purpose.

It requires you to be strong.

It dictates you to be mature.

It empowers you to understand better.



It will simply make YOU BETTER.

Choyeyt ; Enseymada

Masaya ka na ba ngayon sa choyeyt? Sino kaya siya? Mabait din ba siya? Mahal ka din ba niya?


Ilusyon.

Katahimikan. Yun yung hinigi mo... yun yung ibibigay ko. Siguro wala na akong pwedeng magawa, tanging isipin na andyan ka andito ako, hindi ka nag sasalita, hindi din ako nagsasalita.

Kumakain ka ng mga pwedeng makapag pasaya sa'yo.
Pumupunta ako sa lugar na makakapagpanatag ng loob ko.

Saan ba pwede makabili ng enseymada? yung madaming madaming cheese? Nakakapag patahan yun ng luha.


Sana ganun lang talaga kadali sumaya.Pero alam ko oo. Mag kaiba tayo. Dapat maintindihan ko na ang chocolate ay makapag papasaya sa'yo. Ang enseymada ang makakapagpatatag sa akin. Malay ko at malay mo, pag naintindihan ko na yun... magiging mabuti na akong tao. magiging matatag ka na din.


Hindi lang SAYA yung kailangan para punuan ko at punuan mo. Dapat puno na ng SAYA ang sarili mo, PANATAG na ang puso ko at mo. Bago mo ibahagi at mag-grow.


(IALMB. Lagi ka nasa puso ko)