Wednesday, May 25, 2011

Choyeyt ; Enseymada

Masaya ka na ba ngayon sa choyeyt? Sino kaya siya? Mabait din ba siya? Mahal ka din ba niya?


Ilusyon.

Katahimikan. Yun yung hinigi mo... yun yung ibibigay ko. Siguro wala na akong pwedeng magawa, tanging isipin na andyan ka andito ako, hindi ka nag sasalita, hindi din ako nagsasalita.

Kumakain ka ng mga pwedeng makapag pasaya sa'yo.
Pumupunta ako sa lugar na makakapagpanatag ng loob ko.

Saan ba pwede makabili ng enseymada? yung madaming madaming cheese? Nakakapag patahan yun ng luha.


Sana ganun lang talaga kadali sumaya.Pero alam ko oo. Mag kaiba tayo. Dapat maintindihan ko na ang chocolate ay makapag papasaya sa'yo. Ang enseymada ang makakapagpatatag sa akin. Malay ko at malay mo, pag naintindihan ko na yun... magiging mabuti na akong tao. magiging matatag ka na din.


Hindi lang SAYA yung kailangan para punuan ko at punuan mo. Dapat puno na ng SAYA ang sarili mo, PANATAG na ang puso ko at mo. Bago mo ibahagi at mag-grow.


(IALMB. Lagi ka nasa puso ko)

No comments: