Friday, April 26, 2013

Mga tanong ko ngayon.




Bakit ang tanga ko?
Dahil magkaiba ang sinasani ng puso at isip mo. Hindi mo ainusunod and kung anong sinasabi ng isa sa kanila.


Bakit ako masasaktan?
Parte ng buhay ang masaktan, yun yung magpapatunay na totoo yung mga nararamdaman mo at na totoong tao ka.

Bakit ako nahihirapan?
Dahil ang buhay ay puno ng iba't ibang decisions, maliliit at malalaki. Lahat nakasalalay sayo at sayo lamang dahil ikaw ang nakakakilala sa sarili mo, ikaw yung nakakaalam ng kailangan mo at nararamdaman mo.


Bakit ako umiiyak?
Dahil ayaw kong may masaktan, dahil alam ko kung paano at kung gaano kahirap ang masaktan. Alam ko na hindi kaya ng mga salita ipaliwanag at hindi matatalo ng lahat ng luha sa mundo ang mag mahal, umasa at iwan.


Bakit siya bumabalik?
Dahil naririnig niya sa puso niya na meron parin, nq mahal parin niya ako.


Bakit hindi ko siya makalimutan?
Dahil hindi ko rin alam, maraming beses na, maraming taon na dumaan, maraming luha na akong iniyak, pero meron pa din "bakit" sa puso ko.


Bakit niya ako minamahal?
Dahil nasa relasyon kami na nagsasama sa hirap at ginhawa. Sa lungkot at saya. Sa away o bati. Sa ulanat araw. Sa pag buo ng mga pangarap. Sa pag harap sa mga hamon ng buhay. Sa pag ngiti sa buhay.


Bakit hindi ko siya maiwan?
Dahil sa lahat mg rason na binigay niya para makita ko ang buhay ulit, para mag mahal ako ulit.


Bakit sila andyan?
Dahil nag mahal ako, totoo. Simple lang ako. Hindi kailangan ng madaming bagay para mapasaya, kailangan ko lang ng "assurance" na hindi mo ako iiwan at papabayaan. Madali lang akong mahalin.


Ang dami kong tanong at iyak. Hindi ko alam ang sagot sa lahat ng tanong ko, isa lang yung sinsabi nilasa akin:


Follow your Heart 💓

Pray.


---hindi ko alam kong nasaan yung heart ko, kung nakakaisip pa ba siya. Gusto niyang tumahimik at mag isip, dahil king pipili ako yun yung mamahalin ko ng walang tanong at haharapin ko ng may paninindigan.


He knows all things.
He can do all things.
He loves me very much.

No comments: