Thursday, May 30, 2013

OO. Iba

Oo. Iba.

Iba kaya ang buhay natin, kung may mga iba tayong ginawa sa buhay? 

Naisip ko lang bigla. OO nga noh? Malamang iba. Iba yung ginagawa ko ngayon. Iba yung kinaroroonan ko. Iba yung nangyayari. Iba yung mga kasama ko.

Lahat ng ginagawang desisyon-- malaki o maliit parte ng buhay ng pagiging Ikaw. Walang tama o mali. Dahil sa kahit saan..may matututunan ka. Iba iba nga lang paraan. Pero sa lahat ng paraan walang madali, dahil lahat din ng bagay pinaghihirapan.

Oo. Iba. Iba talaga. PERO habang buhay ka nalang ba magtatanong sa sarili mo? Iba. Oo. PERO hindi mo na maibabalik lahat ng sana nagawa modahil tapos na. PERO kung hindi mo ginawa ang mga desisyon mo ngayon, hindi ka magiging ganyan katibay, at katatag. Hindi ka ganyan mag sakripisyo. Hindi ka ganyan mangarap. Hindi ka ganyan mag mahal.

Oo. Iba. Dahil may bukas na gigising TAYo at haharap sa Buhay.

No comments: